Hi! 2 hours na nakakalipas ng galing ako sa las pinas, nagkasama na naman kami ni Vince at si Happy Birthday Boy Andy, kanina lang ulit kami nagpraktis after ng september 2006…kaya olats na naman ang output ng music namin dismayado at hindi kuntento kanina, after ng praktis ay nagpunta kami sa kabilang bahay ni Andy para sa Happy Happy Birthday Kainan Celebration…at duon pinagusapan ang music ng blackbored…
At ang isa pang nangyari kanina ay habang nag-prepare kami sa bahay ni Vince papuntang studio ay dinial ko ang numero ng landphone ni ex-gf at kamalasmalasan ay ang nakasagot ay ang kanyang tatay at lasing pa! balak ko talaga kausapin ang kanyang nanay para mangamusta lang kaya ayun! bad timing na naman ako! nung una ay dehins ako kilala ng tatay niya kaya inisa isa ko ang description ko hanggang sa nakilala na niya ako at dun na bumanat ng paulit-ulit…haay…