At dahil walang nagsabi or nagtext man lang na 9:30am pala ang pasok ay nasa workplace na ako ng 6:35am…
kaya naman buti 4:30pm pwede na kami umuwi para manuod ng 15th Anniversary ng WWE Raw…tamang tama!
pero mahirap sumakay pauwi mula Pedro Gil…
daming tao…
daming stoplight…
wala namang silbi…
So para makauwi agad nagpunta ako ng Lawton para dun sumakay ng bus…
sa 10 minutes na kahihintay sa bus…at last dumating din..
at nakakainis ang eksena kanina…hindi ko mapigilang magsalita sarap batukan…
Scene 1:
matiwasay na nakapila ako sa waiting shed…nung dumating ang bus at ipaparada pa lang at nakaready na kaming mga nakapila..aba! bigla biglang nangunguna sa pila ang limang mga hindi nakakaintindi ng pila…
eto pa ha…
professional ang itsura nila..
may bitbit na computer pamplet ang isang lalake mabango sana ang dating kaso ang baho ng trip!
nakasalamin na akala mo genius, religous, at mukhang may manner..(take note! siya pa ang nagpasimula ng singit!)
dalawang lalake na komon…
at isang babae na komon…
syempre, nagkagulo na din ang pila, wala na din nagawa ang mga dispatcher kundi magparinig na lang at sumigaw may halong kantyaw…nakisama na din ang mga citizen na maayos pumila yung iba naman tahimik…at syempre ako…"tsk tsk! parang hindi makakauwi ng bahay.."
kung sino pa yung mga level 1 eh sila pa ang nangunguna sa pagkawalang disiplina…
Scene 2:
nakaupo pa ako sa dulo ng bus pero may pinaupo akong ale…
nung pagtayo ko..anak ng!
napatapat pa ako sa lima!
yung dalawang komon nakikinig ng music player…
kumanta ba naman ng pagkalakas lakas ng "masdan mo aking mata di mo ba nakikita…"
talagang napapatingin na lang ako at napapailing…
sasabayan pa ng bibo bibohan na bata kung magkwento ay walang humpay din kausap ang kanyang ina…
tas ang palabas sa bus..piratang concert ng mga various artist na paborits ng mga dinosaurs from early 80's..
trapik pa..pero nawala ang atensyon ko sa mga yun gawa ng malalim ang iniisip ko..iniisip ko na sana makauwi ako ng 8pm sa bahay at baket wala ng UNLITXT na promo?
Pagdating sa bahay…7:55pm
madilim…
walang kotse…
walang tao…
nakalock ang bahay…
WALA AKONG SUSI!
WAD DA….
8pm na!!!
no choice…nag esem na lang ako para magpalipas ng oras…
9pm sila dumating…
takbo sa kwarto at nakapiling na ang WWE Raw…
Daming bumalik na good memories sa akin dun sa 15th Anniversary ng Raw..daming dumalaw bumalik at reunion at mga video clips…seryosong nakakaiyak, napapangiti, napapaluha…ang lahat ay nagbabago, tumatanda…
ika nga ni George Harisson..
"All things must pass.."