Dear Diary,
Unang araw ng January 2008 tulog pa ang lahat, hirap bumangon pero kailangan kasi ako ay papasok pa sa workplace na inakala kong 9:30am ang schedule…nakakatuwa dahil 15minutes lang ang biniyahe ko from SM Bacoor to MOA… kaya naman pala na ganun ang biyahe eh…dami lang talaga hassle sa kalsada at sana ganun na lang palagi ang pilipinas, sana new year's day, holy week na lang palagi para dehins crowded sa metro…so, anyways…maaga nga ako nakadating ng MOA at tama nga ang kutob ko na 11:30am pa pala ang pasok…so ang aga ko 9:00am pa lang kaya nagpunta muna ako sa likod ng MOA sa park sa tabing dagat at umupo sa bench at nagsulat (gumawa ng Goals for 2008) nagreflect (inevaluate ang sarili) at nagdasal kinausap si God para magpasalamat at nagprayer request….tapos kumain ako sa Jollibee at tinawagan si Yam at bumalik na sa SDC…
Ganado ako magtrabaho today kahit madaming pilosopo at jackass…
Wala ng JackTV!!!
Happy New Year…
JC