At dahil sa observance ng holy week ay pinanuod ko ang "The Passion Of The Christ" dvd na nakita ko sa lamesa sa salas namin, ayaw naman panuorin ng mga kapatid ko kesho mahaba daw eh di naman ganung kahaba or excuse lang nila yun so kaya ako na lang ang nanuod dito sa kwarto, pangalawang beses ko na ito napanuod at ang una ay sa mission camp ng VJCF sa batangas, last year holy week din kasama si Edeza.
Napakabuti ni God sa atin dahil sinacrifice niya ang kanyang son na dinala nya dito sa mundo para ipako sa krus upang pagbayaran ang ating mga kasalanan..ang bait nya di ba?! kaya sana kung ikaw na hindi mo pa tinatanggap si Christ bilang tagapagligtas ng buhay mo ay sana invite mo na sya sa puso mo so that you can have an everlasting life with him…
"You are my friends, and the greatest love a person can have for his friends is to give his life for them"