Alab Ng Puso

June 13, 2008

  Kaninang umaga nagiisip ako sa loob ng aking kwarto na sana makabisita ako sa aking past at puntahan ang sarili ko nuong 10 years old pa lamang ako at sabihin sa batang JC na magaral siyang mabuti at umiwas sa mga barkadang nagngangalang tonyo at karlo. wala lang. parang sarap lang puntahan ang past ko. parang back to the future. ano kaya ako ngayon kung maayos ang paghahanap sa sarili ko nuon pa?

 Makapagresearch nga tungkol sa mga sports partikular na sa basketball, pba at nba…medyo na O-op na kasi ako kapag nagkkwentuhan ang mga officemates ko. isang linggo ba namang pinaguusapan ang Celtics at lakers na yan.. hanggang NBA live lang ako eh.

Nakakamiss makinig ng brewrats…palpak naman kasi recorder ko…

Masarap makinig ngayon ng The Dark Side of The Moon ng Pink Floyd.

Posted by jcaquino at 2:22 am | permalink

Comments are closed.