Hindi ko nagugustuhan ang week na ito sa trabaho ko, nasa gitna na ng week at sunod sunod ang OT namin kahit pa sabihin ni TL na hindi naman compulsery ang OT eh sige go pa din ako tutal naman ganun din at para sa team na din at para mazero out na ang mga queues na yan at more petiks mode na. hindi ko lang gusto dahil pabago bago ang mood ko, may oras na seryoso ako at gusto ko magisa lang sa station ko nakatitig sa monitor at walang nanggugulo at mamimilosopo, para sa akin mas gusto ko tambak ako ng queue kesa sa wala kaso tambak nga eh hindi naman namin skill talaga, nakikitulong lang kami kaya naman sobrang late na ako umuuwi ng bahay at nakakalimutan na magblog pati mga kwento ko for the day ay nakakalimutan ko na, napapanis tulad ng sinaing sa rice cooker…antok na ako…
gudnayt.