Alam mo yung feeling na ikaw yung pinaguusapan?Sama-samang nagkwentuhan, sa gitna ng masarap na kwentuhan tinawag ng supervisor para ireport ang mga naging transaction sa buong araw matapos ihatid ang report ay naglalakad pagbalik sa pwesto ng masayang nagtatawanan sa sarap ng kwentuhan, habang papalit ay may napapansing may nakatangin, may asterisk sa mukha ng nakatingin at isa naman ay sumimpleng kumalabit sa katabi na ibig sabihin ay “hoy! tumahimik ka, anjan na si JC!”
?
Kunwari hindi ko na-feel
Kunwari cool pa din ako
Hindi nila alam na malakas ang spyder sense ko sa ganyan
Inisip ko tuloy kung ano ba nagawa ko?
pero pagbalik ko naman sa inuupuan ko ay mukhang malayo naman sa topic nila sa akin habang nagrereport ako.
eto pa…
yun bang dalawa sa mga kasama mo ay pinaguusapan na sobrang confidential na kapag sinambulat sa akin magagalit ako tapos paguusapan nila sa gitna mo? alam mo yun? nagbibiruan pahaging sa gitna ko.
naisip ko kung ako ba yun or yung isa
kelan lang kasi eh nagconfess sa akin ang bading kong opismeyt na crush niya daw si ganito.
tapos sila din pala may parang ganung sikretuhan…
oo na.
call me paranoid
habang naglalakad pauwi naisip ko kahit saang mundo pa talaga ako mapadpad ay mayroong mga tao talaga na __________
sabagay hindi ako magiging sensitibo kung walang mga taong katulad nila.
chill.
yeah yeah! mga opismeyt ko yan pards! yes mahal chill lang po..
Posted by jcaquino at August 6, 2008, 1:12 am
sino yang mga yan? sapakin na yan ahahha joke! wag nang patulan
Posted by ana at August 5, 2008, 10:30 am