Sa Pananaw Ng Isang Paranoid

August 6, 2008

At dahil sa gusto ko nga malaman kung ano ba yung “pinaguusapan” nila kagabi ay diretso kong tinanong sa gay officemate ko kung ano ba yung kulitan nila kagabi na yun dahil ayoko kasi ng wala akong alam sabay naguusap sa gitna ko ay ako pala tong mahina pumick up, tungkol pala dun sa sinabi ni opisymeyt #1 sa amin nung friday night meeting sa opisina ng shop namin na mas gusto niya daw yung unang naging Supervisor namin kesa sa Supervisor namin ngayon. and speaking of my Supervisor ngayon ay kanina maaga kasi natapos ang mga queues namin at ako naman hindi mapakali naghahanap ng magagawa, para akong nakainom ng sampung kape (napanuod mo ba yung Beavis and Butthead do america? yung uminom si beavis ng kape sa white house? kung hindi eh parang nagpapanic attack ang utak ko yun lang) kaya naisipan ko kontakin si yam eh eto namang si Super “The 22 year old power tripper” visor ay paalis alis din so yun nahuli ako nakasukbit ang headset sa ulo ko, medyo naasar sa akin nagsorry naman ako nainis ako kasi kung offense agad yun eh napakawalangkwenta pards! ilang buwan ko pa ikikiss ang kanyang ass gumanda lang ang record ko…my bad, sana binigay ko yung 100 bucks ko nung nangungutang siya sa akin, isang minuto pa akong late mag out para sa 15 mins break, medyo dysfunctional ang utak ko ngayon sa work, siguro masyado na nga makapal ang buhok ko kaya kelangan ko na magpatrim, nga pala may bagong seating arrangement na kami and alam mo ba na sa likod ko lang ang I.T. room. hindi ko lang talaga maintindihan kumbaket bawal mag mp3 sa station bagkus tapos na kami sa mga inuutos sa amin, bawal na nga magbrowse sa internet, bawal magcellphone, bawal pa makinig ng musika, mas gusto pa nila nakikitang nagkukumpulan ang mga empleyado para sa kwentong kung anu-ano, hindi naman ako nagrereklamo and binasa ko naman ang rason ng kumpanya sa handbook kung baket bawal, ang pagkakamali ko lang ay nung training days pa lang namin binuksan ko ang site na ito dun at nalaman ko na every page every cookie every file ay nakastore na sa malahaliwaw na IT at feeling ko binibisita pa din nila to hanggang ngayon sinusubaybayan kung may kwento ako about sa kumpanya namin tapos kapag may mabasa sila mababasa ko na din ang note ko from dem katulad nung napanuod ko sa isang GMA 7 documentary na natanggal ang isang empleyado ng isang kumpanya dahil nabasa ng boss niya ang kanyang entry sa blog niya…what if kung ganun? nako.. magpapalit na ba ako ng site? paranoid lang ba talaga ako? kelangan ko ng musika? penge?

Posted by jcaquino at 2:06 am | permalink

Previous Comments

ikaw talaga..

Posted by yam at August 8, 2008, 10:26 am