Nuon pa man malapit na talaga ang puso ko sa mga matatanda sa pamilya ko kaclose ko ang lolo’t lola ko sa side ng dad ko kaclose ko din syempre ang lolo’t lola ko sa side ng mom ko, kapag may nakikita akong matatanda sa labas ay madali ako maawa…ngayon, kakatapos lang ipalabas sa Sine Totoo yung isang episode sa Wish Ko Lang na si Lolo Jan, si lolo Jan ay 82 years old from cavite city, walang trabaho kaya binabaybay niya ang metro with 50 pesos sa kanyang bulsa kaya ang ginagawa niya ay bumababa siya ng baclaran at maglalakad papuntang ortigas dalawang oras niyang lalakarin yun, isang beses daw ay napadaan siya sa isang coffee shop para magpahinga tumabi siya sa isang babae kung pwede daw tumabi sa kanya dahil pagod na daw sya, so kinwento din ni Lolo Jan ang buhay niya sa babae buti natanggap agad ng Wish Ko Lang ang sulat nung babae at buti nagsulat siya sa Wish Ko lang…binigyan si Lolo Jan ng sariling negosyo ang sari-sari at home appliances para sa maybahay niyang may cataract na ginamot ng libre c/o wish ko lang pati ang kanilang dilag ay binigyan ng scholarship sa Cavite State University…di mapigilan mapaluwa sa pinapanuod ko syempre, kahit ako malaman ko pa nuon na ganun ang ginagawa ni lolo jan ay kahit tigalinis lang dito sa talyer namin ay oofferan ko sya. natutunan ko dito sa kwento to ay walang trabaho ang mas mahalaga pa kesa sa pamilya…kahit gaano pa kaganda ang trabaho natin kung di naman natin kapiling, kaclose ang ating pamilya and faith to God ay olats pa din tayo…pinaiyak ni lolo jan ang puso ko…bless this man and sana mapuno pa ng blessings ni God ang pamilya niya at si Lolo Jan.
ok sure or maybe i can visit him sa bahay nila just send me his number sa mail ko.
Posted by jcaquino at August 21, 2008, 1:15 am
Hi JC. I’m happy na na-touch ka ng kuwento ni Lolo Jan. He still needs our help kasi things went wrong at hindi nagamit ung pangkabuhayan package. Taga Cavite ka ba? I can send you his cel number if you are serious about helping him out.
Posted by Claire at August 20, 2008, 2:32 pm