God’s Time

October 7, 2008

2nd of October, Friday past 2pm papasok na ako sa trabaho, kita ko si Tatay Kid nakaupo sa labas ng opisina niya nagrerelax, sabi ko “Tay, Pasok na po ako..” tumango lang siya…
7pm Lunch Time ko, pagdating ko sa amin nakasalubong ko si Money Changer Guy at si George (Mekaniko namin) sabi dinala daw sa hospital si Tatay Kid inatake daw habang naglalaro ng baraha sa sugalan namin, nirereocover na daw walang tao sa bahay bago ako kumain nagdasal ako…
Past 8pm nasa trabaho na ulit ako, di pa nakakalipas ang 1hr tumawag ang kapatid kong si Kaye…
“Nag-out of town na…”
Nautal-utal ako..totoo ba to..hindi ko maisip na wala na si tatay…
panic ako sa loob, di ako makapagtrabaho, binigay ko sa opismeyt ko ang trabaho ko inisip ko kung uwi ba ako di ko makontak ang parents ko walang signal ang globe (lahat ng globe subscibers) wrong timing pa,. tumatawag naman ako sa sun ni kaye hirap makontak…hinintay ko na maguwian…
malapit na maguwian, tumatawag na si Rigel at Kaye sunduin daw nila ako kasi andun sila lahat sa La Bien Funeral Homes..
totoo ba to? syet! hindi pwede eh..ang aga pa.
pagdating namin.. wala pa..iniiembalm pa daw..
andun si Tito Abel, Tita Nini, Wacky, Tita COnnie, Mommy’t Daddy, Nanay Francing, Mama Eric, Nanay Zeny at si Ti Jeng…naghintay kami ng halos 2-3 hours…
dumating na…
……………
di ako makapaniwala wala na si Tatay…
wala ako masabi di ako makapagkwento, kami ni nanay francing at mama eric ang nagstay nung gabing yun, kung alam mo lang kung pano kinuwento sa akin ni Nanay Francing ang buhay nilang dalawa kapag weekdays at buhay nilang dalawa kapag wala kami ay nko…ako ngayon ko lang nalaman na sobrang sweet pala ang tatay ko..sabi nga ni nanay eh sinabihan niya daw tatay kasi wag daw masyado mabait kasi kinukuha daw agad yun ni God..
Tatay naman kasi eh…
namimiss ko na agad siya…
sundays will never be the same without Tatay Kid…
at ang weekdays na sa talyer siya…
eto pa
kaya pala gustong gusto ko umuwi nung sunday kasi hindi na ako umuuwi sa kanila every sunday dahil umaattend ako ng 10am service pero nung week na yun pakiramdam kong gusto ko umuwi nun…at eto ang last sunday ko with tatay…
 
Watching A.S.A.P. gawain tuwing sunday before & after kumain ng lunch
Nanay naghahanda ng mga damit na ipapadala sa australia.

  Champorado time with Kaye, Nanay at Tatay..

I know..mas masaya ang tatay ngayon kapiling na si Lord, wala na siyang nararamdamang sakit sa sa katawan, malinaw na ang paningin niya, makakain niya kung ako ang gusto niya..mas madami siyang friends & brotherhoods dun..namimiss ko na si Tatay..dapat sana kasama ko pa siya sa birthday ko at birthday niya.. kakain pa kami sa Andok’s Dine In..
Weird na ng week na to..
God Bless his soul…
We’ll miss you Tatay Kid…
  

Posted by jcaquino at 3:05 am | permalink | comments[5]

Sponsored Links