Siya nga pala…kahapon ay Unang Anibersaryo ng Telstra may mga awarding, kantahan, sayawan at kainan…
Happy 1st Anniversary Telstra
At syempre hindi maaring hindi ko ipopost ang bogchi portion kasi masarap ang spaghetti, fish fillet at brownies.
——————
——————
Ang weird ng feeling kasi feeling ko nasa loob lang kami ng isang eskwelahan at feeling ko estudyante pa din ako at nagaaral pa din ako. Adviser mo yung supervisor, klasmate ko yung mga opismate, dean naman si big boss at yung mga grades na nakukuha ko eh base yun kung gaano ba ako kaayos sa aking performance at kapag bigayan ng classcard ay yun ang payslip…kaya dapat magaral na mabuti eh para makakakuha ng mataas na grado.
———————————
———————————
Kanina naman (Sabado) pumunta dito si Yam naglaro kami ng ilang Video Games eh gusto niya yung masaya eh wala naman ako larong masaya…masaya na kasi ako sa Smackdown Vs Raw eh..at tinulungan niya din ako ayusin ang mga magulong gamit ko tas kanina pa din ako kinakantahan ng nanay ko na magpakain so kami naman pumunta ng SM Bacoor at bumili ng bunch of lunch sa Shakey’s (15mins daw eh parang 30mins yun)
Yan ang typical istura naming dalawa kapag naiinip…
——————————
——————————
At dahil sa Tuesday na ang aking ika-26 na kaarawan eh gusto ko lang ipost ang aking larawan nung ako’y musmos pa at walang kaalam alam kasama ang aking pinakamamahal na lolo (sumalangit nawa)