Happy Post Vincent Day & Joey Boy Too

February 28, 2009

Last Song Syndrome: Dong Abay’s Ay Buhay

Para sa akin saturday night ang the best makinig ng euro music (pirate satellite sa NU107/CD Collection mo) or tamang alternative music! pero nuod ka muna ng Imbestigador para malaman kung ano ang latest na nireraid sa pinas at kung ano ang pagkain na paborito mo kasi masarap pero yucky pala ang pagprocess na ipapalabas nila kuha ng hidden cam ng isang asset..
salamat! kasi simula nun dehins na ako umiinom ng taho pwera lang yung sa mall binibili kasi siguradong malinis dun
(err hindi din).
Madaming pwedeng gawin pag saturday depende sa trip mo. para sa akin kasi eto ang JC Day ko, rest day ko kahit nung high school pa ako. masarap gumala kasama ang mga tunay na kaibigan kapag umaga hanggang hapon. kung may partner naman eh sa tanghali til hapon tas pagsapit ng gabi. perfect mag-ice cream na nasa pint habang nakaharap sa idiot box or mag-video games. wag na gumala sa gabi kung walang auto. talamak holdapan dito.
kaya naman kanina, 9pm ang uwian time namin palagi kapag nasa las pinas ako natatakot na ako kapag lumagpas ng around 9 kasi no choice ako sa pagdaan ko sa sinumpang zapote, zapote ay isa sa mga tinuturing kong wasteland dito sa bansa. baket?
bukod sa kasuklam suklam na amoy sa kalsada, traffic na… madami pang snatcher at holdaper dun.
kinikilabutan agad ako kapag traffic kasi feeling bigla na lang may lalapit.
kaya naman ayoko na din sumakay ng cavite bus kasi madaling manghablot ang snatcher dun sa bintana ng cavite bus.
kaya naman di na ako umuupo sa tabi ng bintana.
bawal din magheadphone tiis muna sa sounds ng bus or jeep.
bawal din magshades kasi mga tao dun insecure kapag may nakikitang kakaiba.
bawal din magbaseball cap kasi walang pambili ng cap mga tambay dun.
naisip ko kanina magbaon ng damit yun bang pang camouflage sa kanila eh buti kanina medyo safe kasi nakasakay agad ako. kaya eto nasa bahay na ako galing sa bahay ni Vincent, nagsama sama na naman kaming former bandmates na ngayon ay bestbuds na lang kami.. birthday kasi niya, salamat sa spaghetti, fruit salad, japanese cake, tokwa’t baboy, choco cake, di mawawala ang tasty at iced tea plus and Red red wine..bagong bisyo. legal pa.
tapos pinanuod namin mga video namin nuong 2005, diring-diri sa itsura namin, sobrang payat ko pala nung 2005, payat din si andy, di lang nagbago si vincent tas ang immature ng tugtugan. napagusapan na wag na ipost sa you tube.
pero yung ngayon, the best!
nagmature na ang tugtugan! sarap ipost sa you tube, sarap magjam ulit.
Madilim pala yung shot! tsk!
Alas nuebe na ng gabi, kelangan na namin sumibat ni Andy, 9pm ang curfew na binigay sa kanya ng asawa niya.
Si mary? may kusa ako.
Nung nasa byahe na kami pauwi, Sinabi ko ke andy yung napagusapan namin bout sa band thingy. kasi nga tumatanda na kami, nagkakaroon na din ng kanya kanya responsibiliDAD, hindi naman pwede yung mindset namin 9 years ago lalo na dito sa pinas. di ka makikilala kung di ka mayaman. di ka maririnig sa radyo kung walang pondo. di ka magkakagig kung di ka pig. kaya naman ang goal na lang namin ay matupad lang ang track by track recording. yun ang art kasi namin. yun ang masterpiece na pwede namin ipagmayabang sa mga anak namin.

The Red Red Wines

And speaking of anak…just wanna share this one, yung batang naka-pink ay bunsong baby ng tita ko, si ila, namiss ko bigla ang batang to tas na-kyutan pa ako nung nalaman ko na meron Teddy Bear party sa Oz land. another happy place for me makikita sa larawan ang magandang example ng happy place for JC. napagusapan din kasi namin ni yam ito,
ang isa sa mga safest place to live ang Oz land.
kaya naman ipon ipon and humingi ng request kay papa God na makasunod sa kanila. no more someday syndrome.
ano kaya ginagawa sa teddy bear party? malamang syempre bitbit ang teddy bear nila at tamang bonding.
 
  

Posted by jcaquino at 11:55 pm | permalink | comments[2]

Sponsored Links