Munch Punk Love

March 3, 2009

Yan ang katakam-takam na Sex Bombe chocolate cake ng Sucrée Patisserie & Cafe, add 15php ay mayroon ka ng coffee. masarap ang cake, sakto lang! Matatagpuan ang Sucrée Patisserie & Cafe sa 2nd Floor Robinson’s Place Manila-Midtown.

=-=-=-=

Meron cosplay at toyfair/bazaar na nagaganap kahapon sa Rob Manila, sayang at last day na pala nila kahapon (sunday) meron kaming nakitang Yellow Submarine action figures, The Beatles Pomada (balak ko sana bilhin ito kaso ang oa ko na ata kasi parang Beatle paste lang ito na nabibili sa mga sari-sari store eh, nakakaengganyo lang kasi luma na, eh aano naman gagawin ko sa pomada expired at made in RP pa buti sana kung gawa mismo ng Apple Corps yan. hindi naman ako oa na beatle collector.) madami ding Batman at Simpons, yung iba eh alam niyo na (star wars, superman, wrestlers, toy cars etc.) habang palakad-lakad ang mga cosplayers, iniinterview pa si Freddie Kruger ng mga taga Hero TV.

Ayos!
Posted by jcaquino at 1:48 am | permalink | Comments Off

Sponsored Links