Use Lost In A Sentence

July 5, 2009

Ang dami pwedeng paggamitan sa akin ang salitang LOST…
I Lost the Girl..
The Lost Month..
I’m Lost..
Found…
Lost Again…
Loser..
oo Loser na ako…pero sabi nung may nagbigay ng sticker para sa “lost” series ng church namin ay sabi ni pastor idikit daw namin ang sticker kung saan namin palagi nakikita na nagpapaala sa twing kami ay ma-lost aalahanin namin ang pagmamahal, pangako at message ni Lord sa atin.
at dyan ko dinikit ang isang sticker…
sa Bible ko. yan ang kauna-unahang bible ko..
birthday gift sa akin.
sentimental!
binabasa ko ito bago ako matulog at bago umalis ng bahay.
and yet…ako’y nawala (na naman)..umistokwa!
ngunit hindi pa din ako pinabayaan ni God.
mahal pa din niya ako. walang magmamahal sa akin ng lubos kundi ang Panginoon
kahit gaano pa ako ka-gago, ka-lasenggero, ka-sungit, ka-arte…
and di mo ba alam even pornstars, adik at mga taong walang pinagaralan eh mahal ng diyos.
yung nagmumura pa kaya?! di ba? walang excemption.
nung sunday…di mapigilan umiyak habang nagpraise & worship sa church.
naramdaman ko kasi ang pagmamahal ni God sa akin. kung gaano niya ako kamahal. hindi ako nagagalit kung baket nangyayari sa akin ito, bagkus ako ay nagpapasalamat dahil healthy ako, nakakaattend pa din sa church, nakakain pa din ako kung anong oras at kelan ko gusto, mahal ako ng nanay at tatay ko, sisters, lola’s & mga kamag-anak’s ko. blessed pa din ako pare! blessed pa din ako kahit bente na lang pera ko. blessed pa din ako sa mga nangyayari lately. di ako nagsisisi. blessed pa din ako may mga kaibigan ako nakikinig, tumutulong at nagpapasaya sa akin.
 
at kumakanta ng Beatles..

—————————————————————————————————–
 

09199539830: We are doing great wla na dpat tyo pagusapan.

so…okay na pala sila…

Happy Ending?!

di ako naniniwala sa happy ending. baket may ending?

oh well..whatever..

“God never closes a door without opening a window. He always gives us something better when he takes something away.

Posted by jcaquino at 2:19 am | permalink | comments[1]

Sponsored Links