isa sa mga ayaw ko yung ginagawa akong inutil..
naalala ko lang.
minsan kasi ganyan pinaparamdam sa akin ni “TL” __.
ewan ko ba baket di ko feel magtawag ng tl bago name nila..
gusto ko name nila eh magkakasing edad lang naman kami.
and di ako naniniwala para respect yun eh.
ayaw ko din magtawag ng boss, ang awkward.
siguro di na ako masaya sa opisina
kahapon nga pala 2 years na ako sa kumpanya na yun.
hindi na ako masaya.
pero kelangan kumita.
tiis tiis muna.
Di na ako makapagblog katulad nung dati
Di na ako makapagsulat katulad nung dati
Di na ako madaldal katulad nung dati
Di na ako masipag magupdate katulad nung dati
kasi nga naman meron ng tweeter, facebook at tumblr kung saan nauuso na ang microblogging kaya naman imbes na magkwento ako tungkol sa trabaho kasi gusto ko sana sabihin na hindi na ako masaya sa trabaho ko dahil nawala na ang mga mabubuting leader at ang natira ay ang mga talangka at nagiging lousy na ang kumpanya dahil sa kanila. pwede ko na lang itweet ito agad.
Naisip ko na naman magresign at naisip ko na naman ang pagapply abroad…hmmm.
hindi kaya dahil may plano na naman?
Tapos ano?
ha?
tapos ano?
Hinding hindi na ako bibili ng inumin na ito sa mga street vendor. nakakasuka, lasang bulok na mansanas. magbebenta na lang maninira pa ng health ng ibang tao basta kumita lang.
Note to self: laging magdala ng mineral water, kapag nakalimutan magdala bumili sa mga mapagkakatiwalaang tindahan, magtiis sa biyahe at wag bumili sa mga street vendor.
Mates of State - Now
I’ve been waiting for a sign to tell me where I belong.
You’ve been waiting for the night to take you far away from me.
Now
Track: Now
Artist: Mates Of State
Album: Re-Arrange Us
Year: 2008
Nakakastress ang monday na ito, pagkagising ko pa naman nagtext ako ke Melai na “Good morning, have a blessed and stress free Monday” sa station pa lang, bago na kasi ang pwesto na naman namin sa tabi pa ng daanan ng mga tao ang hirap magtext, tas ang system namin ayaw pa gumana so kelangan pa gawin ng mga IT na yan, nakapetiks lang kami simula 9am hanggang maglunch break. antok na antok ako nun. natulog ako sa station ko wala ako pakelam kung sino makakita, tinignan na nga lang daw ako ang guard at di na ako sinita sabi ni opismeyt, siguro kung sinita ako lalo ako badtrip ngayon… alas tres na kami nakapagtrabaho gumamit muna kami ng ibang station, problema naman username at password ko, expired na (baket kasi kelangan pa maexpire eh kung papalitan din naman, walang silbi..abala lang) pinareset ko pa. 900 ang queus! overtime kami hanggang 8pm. ang nakapagpabwisit sa akin ngayon ay ang bagong promote na supervisor namin na walang ginawa buong kundi magtaray. sobrang nabwisit ako, gusto ko ng sumabog, gusto ko ng sumigaw sa floor gusto ko patulan, ayaw ko ng pumasok, gusto ko na magapply sa iba pero iniisip ko kapag nagresign ako ako ang talo. sabi ng dalawang officemates ganun daw talaga yun, nakakairita masakit pa sa tenga at #%^&*ng tining ng boses nya. ngayon ko lang kasi nakasama kasi nga nakaVL ako last week. balik sa Real World na naman nga. kelangan pakisamahan, kelangan magtrabaho eh kelangan kumita. tiis tiis na lang ang mga taong powertrip.
Kakahatid ko lang ke Melai sa bahay nila galing dito sa amin. sinurpresa nya kasi ako dito. nagulat na lang ako na andito na sya sa bacoor, madaling araw pa lang kasi nanakit ang tiyan ko pero dehins naman ako na LBM, basta sumakit lang, sinisisi ko tuloy yung gulay at may seasoning na kinain ko plus 3 dice ng pinya. hindi na din ako nakapasok sa opisina, sablay pa nga ang reason ko (BAD TUMMY ACHE!) ang lame. hindi kinaya ng katawan ko, hindi ako makakilos ng maayos kaya naman di ko din nakausap nga maayos sa ym si melai. buong araw ako patulog tulog, nagigising kapag sumasakit ang tyan ko. sinuka ko na din para lumabas lahat, nagdiatabs na ako at buscopan wala pa din epekto ang gamot lang pala dito ay isang mahiwagang KATINKO at si MELAI. around 4pm check ko ang ym ko, walang message at sms si Melai…baket kaya? hmm… naisip ko na lang naubos na ang load nya at di na din sya nakapagmessage kasi di din naman ako makapagreply..pero kahit na. tulog ulit ako.. maya maya nagring ang mobile phone ko (046******) aba, cavite to ah..totoo kya naisip ko na puntahan ako ni Melai dito? pero nasa Gilmore sya mahirapan siya pumunta dito, pagsagot ko ng phone..si Melai nga at nasa SM (Bacoor) daw siya at nagpapasundo tinatanong kung ano gusto ko, sabi ko wag na pumunta ka na lang dito ayos na at hindi ko masusundo gawa nga di ako makakilos ng maayos pero tinatanong pa din ang gusto ko, sabi ko sige Donut na lang hehe. maya maya andito na si Melai, may bitbit na nagmamahal na Chicken Breast Fillet, Macaroni Salad at Fries ng Wendy’s… sobrang natouch ako sa ginawa ni Melai, naramdaman ko na mahal na mahal ako ng Girlfriend ko. nageffort pa siya dalawin ako at baybayin ang cavite, nagkandangligaw ligaw pa daw siya at pahamak din tong pauso na naman ng officials ng Maynila. bawal na ang Provincial Bus. FY! nahirapan tuloy si Melai nako. nawala na din ang sakit ng tyan ko, sobrang nasweetan ako sa ginawa ng partner ko. siya lang ang gumawa nun sa buong buhay ko. nagtake siya ng risk para lang makita ako at macheck kung okay ako.. pero sabi ko sa kanya last na yun. wag na ulit gawin lalo na kung di alam ang papunta. ako naman kasi ang magaalala. di naman dapat gawin. babae sya. tama na yung ako na lang. bigla ko tuloy namiss si Melai pagkahatid ko sa kanila pauwi sa amin. ang sarap ng ganung may nagmamahal. feeling ko napakasafe ko sa kanya ganun din sya sa akin. nagaalagaan kami. sana di ka magbago. ganyan ka na lang, alagaan mo pa din ako at mahalin…I Love You Melanie.
“Will you still need me, will you still feed me? When I’m Sixty-Four” The Beatles
The Fool On The Hill
Happy April Fools Everybody, and yeah ako nga ay nagbabalik. salamat sa mga taga i.ph sa pagrecover ng site na ito. Pinasara ko to kasi masyadong naging kontrobersyal ang site na ito. kita naman ang bakas sa message board ko, di ko binubura hayaan na lang art din yan. october 2009 pala ako huling nagpost na nagcountdown pa kung kelan ako babalik, hindi ko din alam, talaga naman na panahon at oras lang makakapagsabi kung kelan. madami na din nangyari sa akin simula nun. walang tigil na pangungulit na baka sakali bumalik, pinipilit pa din ang sarili kahit alam naman na di pwede, ilan din ang nakilala ngunit palpak/sablay naman sila. akala ko di na ako makakatakas sa bitag ng isang widow maker. dumaan ang pasko, bagong taon lumang problema pa din, nagkaron pa kasi ng encore, wala din pala mangyayari. dumaan ang valentines day at yun na. dun na natauhan ang iyong lingkod. bagong buhay, bagong libro, bagong story, abangan na lang sa mga susunod na entry kung ano mangyayari ke JC bow. cheers!