Ang Cute Gastritis

April 13, 2010

Kakahatid ko lang ke Melai sa bahay nila galing dito sa amin. sinurpresa nya kasi ako dito. nagulat na lang ako na andito na sya sa bacoor, madaling araw pa lang kasi nanakit ang tiyan ko pero dehins naman ako na LBM, basta sumakit lang, sinisisi ko tuloy yung gulay at may seasoning na kinain ko plus 3 dice ng pinya. hindi na din ako nakapasok sa opisina, sablay pa nga ang reason ko (BAD TUMMY ACHE!) ang lame. hindi kinaya ng katawan ko, hindi ako makakilos ng maayos kaya naman di ko din nakausap nga maayos sa ym si melai. buong araw ako patulog tulog, nagigising kapag sumasakit ang tyan ko. sinuka ko na din para lumabas lahat, nagdiatabs na ako at buscopan wala pa din epekto ang gamot lang pala dito ay isang mahiwagang KATINKO at si MELAI.  around 4pm check ko ang ym ko, walang message at sms si Melai…baket kaya? hmm… naisip ko na lang naubos na ang load nya at di na din sya nakapagmessage kasi di din naman ako makapagreply..pero kahit na. tulog ulit ako.. maya maya nagring ang mobile phone ko (046******) aba, cavite to ah..totoo kya naisip ko na puntahan ako ni Melai dito? pero nasa Gilmore sya mahirapan siya pumunta dito, pagsagot ko ng phone..si Melai nga at nasa SM (Bacoor) daw siya at nagpapasundo tinatanong kung ano gusto ko, sabi ko wag na pumunta ka na lang dito ayos na at hindi ko masusundo gawa nga di ako makakilos ng maayos pero tinatanong pa din ang gusto ko, sabi ko sige Donut na lang hehe. maya maya andito na si Melai, may bitbit na nagmamahal na Chicken Breast Fillet, Macaroni Salad at Fries ng Wendy’s… sobrang natouch ako sa ginawa ni Melai, naramdaman ko na mahal na mahal ako ng Girlfriend ko. nageffort pa siya dalawin ako at baybayin ang cavite, nagkandangligaw ligaw pa daw siya at pahamak din tong pauso na naman ng officials ng Maynila. bawal na ang Provincial Bus. FY! nahirapan tuloy si Melai nako. nawala na din ang sakit ng tyan ko, sobrang nasweetan ako sa ginawa ng partner ko. siya lang ang gumawa nun sa buong buhay ko. nagtake siya ng risk para lang makita ako at macheck kung okay ako.. pero sabi ko sa kanya last na yun. wag na ulit gawin lalo na kung di alam ang papunta. ako naman kasi ang magaalala. di naman dapat gawin. babae sya. tama na yung ako na lang. bigla ko tuloy namiss si Melai pagkahatid ko sa kanila pauwi sa amin. ang sarap ng ganung may nagmamahal. feeling ko napakasafe ko sa kanya ganun din sya sa akin. nagaalagaan kami. sana di ka magbago. ganyan ka na lang, alagaan mo pa din ako at mahalin…I Love You Melanie.

“Will you still need me, will you still feed me? When I’m Sixty-Four” The Beatles

Posted by jcaquino at 1:58 am | permalink | Comments Off

Sponsored Links